Mag-ihaw na!

>> Friday, March 27, 2009


Trip na trip nyo bang mag party sa Bangusan Street Party sa Abril 30?



Huwag makutento sa pakikinig ng musika at sayawan kasama aang barkada sapagkat hindi kumpleto ang kasiyahan kung walang bangus na iihawin sa Bangusan Street Party na gaganapin sa De Venecia Highway Extension.



Sinabi ni Vice Mayor Belen Fernandez, chairman ng 2009 Bangus Festival na maari nang bumili ng mga grills o pag iihawan sa halagang P2,500 lamang kasama na ang mga kakailanganin gaya ng bangus, Maggi Magic Sarap na tunay na pampasarap ng iluluto nyo, uling, posporo, apron, tongs at sunvisor.



Kung meron naman na kayong grills na nabili sa mga nakalipas na Bangusan Street Party, magbayad lamang ng P850 para sa mga iba pang gagamitin gaya ng bangus, uling, apron, sunvisor, posporo at Maggi Magic Sarap.



Pumunta lamang sa City Museum ng Dagupan at hanapin si Teresa Raga o si Cristy o tumawag sa telepono numero 5158425.



Kapag maaaga kayong bibili, may tsansa pa kayong pumili ng gustung-gusto ninyong lugar na paglalagyan ng inyong grills sapagkat ito ay first-come, first served basis lamang.-#

0 comments:

About This Blog

  © Free Blogger Templates Wild Birds by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP